^

Police Metro

Ex-judge natupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang dating huwes ang nasawi nang ito ay matupok sa loob ng nasusunog niyang bahay kahapon ng madaling araw sa Brgy. Quiot, Cebu City.

Kinilala ng nasa­wing biktima na si Delfin Decierdo, 76, dating judge sa Sibunga Municipal Trial Court sa lalawigan ng Cebu.

Batay sa ulat mahim­bing na natutulog ang biktima sa silid ng kanyang bahay sa Honeyville 2, Brgy. Quiot ng lungsod nang magkaroon ng sunog bandang alas-4:00 ng madaling araw.

Nabigong makalabas ng kaniyang bahay si Decierdo dahilan ang silid nito ay katabi ng kaniyang mini-chapel na kung saan narinig pa ng mga kapitbahay ang paghingi nito ng tulong.

Hindi na nagawang saklolohan ng mga kapitbahay ang biktima dahilan nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Naapula ang apoy dakong alas-4:35 ng madaling araw at pinaniniwalaan na ang isang kandila na naiwang nakasindi sa altar ng mini chapel sa sala  ni Decierdo ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

CEBU

CEBU CITY

DECIERDO

DELFIN DECIERDO

HONEYVILLE

QUIOT

SIBUNGA MUNICIPAL TRIAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with