^

Police Metro

Tatay napahiya sa kainuman... anak na retarded pumunta sa B-Day, pinagtataga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang 28-anyos na binata na may diperensiya sa pag-iisip nang ito ay pagtatagain ng sari­ling ama na napahiya sa mga kainuman matapos itong pumunta sa isang birthday party kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pudtol, Apayao.

Ang biktima ay kinila­lang si Dominick Adriano, mabilis na isinugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas ang mga natamong taga sa katawan.

Ang suspek na tatay nito ay si Domingo Adriano, 51, magsasaka ay kinasuhan ng frustrated parricide.

Batay sa ulat ng Cordillera Police, bago nangyari ang pananaga dakong alas-10:45 ng gabi ay nakiki­pag-inuman si Domingo  sa bahay ng kumpare nito na nagdiriwang ng kaarawan.

Dito ay dumating ang biktima para sunduin ang ama para pauwiin dahil sa malalim na umano ang gabi.

Napahiya ang tatay na noon ay lasing kaya’t si­naway ang retarded na anak hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama dahil sa pagpupumilit na isama ang una ng anak pauwi sa kanilang bahay.

Ilang  minuto matapos namang makaalis ang anak ay sumunod na umuwi ang matandang Adriano at pagdating sa kanilang bahay ay kumuha ng itak at pinagtataga ang anak na kahit may tama ay nagawang makatakas sa galit na galit na ama.

Rumesponde ang mga otoridad at inaresto ang suspek.

ACIRC

ADRIANO

ANG

APAYAO

BATAY

BRGY

CORDILLERA POLICE

DITO

DOMINGO

DOMINGO ADRIANO

DOMINICK ADRIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with