Bagong pangulo ng PDP-Laban sa Quezon, itinalaga
MANILA, Philippines – Si dating Gov. Eduardo T. Rodriguez ang itinalaga bilang bagong pangulo ng partidong PDP-Laban sa lalawigan ng Quezon.
Ito ang inihayag ni dating DOTC Usec. at ngayon ay PDP-Laban Secretary General Gene Mamondiong sa joint general assembly ng MRRD-NECC-PDP-Laban na idinaos sa Queen Margarette Hotel sa Lucena City.
Tinanggap naman ng taos-puso ni Rodriguez ang pagkakatalaga sa kanya at sinabing siya’y isang mabuting sundalo at nangakong gaganapin ang kanyang tungkulin na may kaakibat na responsibilidad.
Sinabi ni Mamondiong, ang pagkakatalaga sa dating gobernador sa posisyon ay mahalaga para sa nalalapit na halalan sa bansa at isang malaking hakbang sa pagpapalakas ng partido sa lalawigan.
- Latest



















