Janitors sa MRT hindi na pumapasok
MANILA, Philippines – Dahil hindi naman sila pinapasahod kaya’t hindi na pumapasok ang mga janitor ng tren sa Metro Rail Transit (MRT-3) kaya’t mismong mga empleyado na ang naglilinis ng mga tren kapag nasa depot na ang mga ito.
Ayon sa ilang kawani ng MRT-3 na hindi nagbanggit ng pangalan nasa mahigit limang buwan ng hindi nakakatanggap ng suweldo ang mga janitor.
Isang representative ng Power Master Janitorial Services (PMJS) na nagsabing limang buwan ng hindi nakakabayad ng utang ang Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa paglilinis sa mga tren ng MRT-3.
Umaabot na umano sa P32.5-milyon ang utang ng DOTC sa PMJS kaya wala na ring silang pang-suweldo sa kanilang mga empleyado hanggang
mapilitang hindi na pumasok sa kanilang mga trabaho.
Nang kunan ng panig si MRT General Manager Roman Buenafe sa kanyang cellphone ay hindi ito sumasagot at maging ang tanggapan ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya ay wala pang sagot sa reklamo.
- Latest















