Walang ‘ghost employees’ sa Makati City Hall - HRDO
MANILA, Philippines – Mismong ang itinalagang officer-in-charge ng Human Resource Development Office (HRDO) ni Makati acting Mayor Romulo Peña, Jr. ang naglinaw na walang “ghost employees” sa City Hall.
Ito ang kinumpirma ni HRDO-OIC Doris Villanueva sa mga miyembro ng Konseho ng Makati nang ito ay ipinatawag para sa isang pagpupulong noong nakaraang linggo at tanungin kung totoo ang pahayag ni Peña na mayroong ghost employees na nasa payroll ng city hall.
“Sa pagkakaalam po namin wala tayong ghost employees. Lahat po kasi sila pumupunta sa COA,” pahayag ni Viilanueva.
Inihayag ni City Councilor Mayeth Casal-Uy, na ang tinutukoy ng HRDO OIC ay ang periodic check na isinagawa ng COA-Makati office sa mga casual employees na kinakailangang personal na magpakita upang mapatunayan na sila ay lehitimong kawani ng city hall.
Kaya’t unfair sa mga Binay ang inihayag ng kampo ni Peña na may 3,000 ghost employees ang administrasyong Binay.
Dagdag pa ni Casal Uy, sa halip na magbitaw ng mga walang basehan si Peña ay dapat asikasuhin na lamang nito ang mga
benepisyong dapat na matanggap ng mga empleyado ng lungsod.
Hindi rin dapat maging “credit grabber” si Peña sa matagal ng proyekto ni Mayor Binay na kanyang inaangkin gayung iilan buwan pa lang siya sa puwesto bilang acting mayor.
- Latest
















