^

Police Metro

Kaya’t hindi nagmamando ng trapik... MMDA constables boykot sa EDSA

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa umano sa dahilan kaya hindi maibsan ang trapik sa kahabaan ng EDSA ay pagboykot umano ng mga constables ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ayaw umanong tumulong sa mga miyembro ng  PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pagmamando ng trapiko.

Sinabi ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gunnacao na ramdam nila na tila hindi gusto ng mayorya sa mga taga MMDA ang pagkakaalis nila sa pagmamando sa trapiko at tila nais pa ng mga ito na sila ay maghari pa sa EDSA sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko kaya ayaw makipagkaisa sa  PNP-HPG traffic enforcers.

“Basically, they are not under us. Meron silang pinuno, and ang agreement namin sa pinuno namin eh… it might be an individual problem, baka gusto ng mga tao dun na hindi sumusunod ay  kasi gusto nila sila ang hari ng Edsa”, ani Gunnacao sa mediamen.

Alinsunod sa kasunduan at napag-usapan nila ni MMDA Chairman Francis Tolentino  na 150-180 MMDA constables ang tutulong sa PNP-HPG traffic enforcers simula ng kanilang deployment noong Setyembre 7, pero hindi halos sumipot ang mayorya sa mga ito na dapat ay nasa ilalim ng kanilang Operational Control (OPCON).

Ikinatwiran naman ni Gunnacao na hindi ito problema ng organisasyon bagkus ay problema mismo ito ng mga MMDA constables.

Sa pag-oobserba ng mga mediaman at netizens na mayroon mang tumulong na MMDA constables  na  madali ring umaalis sa puwesto.

At sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan kamakalawa ng gabi ay basang–basa sa pagmamando ng  daloy ng trapiko ang PNP-HPG traffic enforcers na walang mga kapote  habang nakatambay naman sa mga convenience store at mga malls at ibang MMDA constables.

Umaasa ang opisyal na tatalima ang MMDA personnels sa kanilang mandato at sisipot ang mga ito sa kanilang dapat na maging duty sa EDSA para tumulong sa PNP-HPG traffic enforces.

Inamin naman ng Malacañang na “it’s complicated” ang problema sa traffic sa Metro Manila na  hindi kakayanin lamang ng PNP-Highway Patrol Group kung walang kooperasyon ng publiko at mga ahensiya ng gobyerno.

Humihingi si Secretary to the Cabinet Rene Almendras na itinalagang traffic czar ni Pangulong Benigno Aquino III ng pasensiya at pang-unawa mula sa publiko sa naranasang matin­ding trapik kamakalawa ng gabi.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

CABINET RENE ALMENDRAS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHIEF SUPT

HIGHWAY PATROL GROUP

MGA

MMDA

NBSP

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with