^

Police Metro

2 rider utas sa salpok

Randy Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang driver matapos na magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo kamakalawa ng gabi sa  kahabaan ng national  highway sa San Marcelino, Zambales.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Darryl Lester Sabado, 26, residente ng Bgy. San Isidro, at Eunil Ogao-Ogao, 22, collector, tubong- Iligan Lanao Del Norte, at naninirahan sa Bgy Linasin, kapwa sa San Marcelino, Zambales.

Malubha namang  nasugatan ang pasahero ni Ogao-Ogao, na si Maybelyn Doblado, 20, dalaga, sales representative, at naninirahan sa Upper Ka­laklan Olongapo.

Sa imbestigasyon ni PO1 Eric Castillo, bago nangyari ang aksidente dakong alas-7:00 ng gabi ay mabilis na minamaneho ni Sabado ang kanyang motorsiklo sa pagbaybay sa nasabing highway patungo sa direksyon ng Castillejos, Zambales.

Dahil sa mabilis nitong takbo ay hindi nito napuna ang  kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Ogao-Ogao na patungo naman sa Brgy. Poblacion.

Sa lakas ng banggaan ay kapwa tumilapon ang dalawang drayber ng ilang metro at lumagapak sa sementong kalsada.

Ang dalawang rider  ay isinugod sa San Marcelino District Hospital,subalit kapwa idineklarang dead ona arrival.

vuukle comment

ANG

BGY LINASIN

DARRYL LESTER SABADO

ERIC CASTILLO

EUNIL OGAO-OGAO

ILIGAN LANAO DEL NORTE

MAYBELYN DOBLADO

OGAO-OGAO

SAN ISIDRO

SAN MARCELINO

ZAMBALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with