Numero ni Mar iaangat pa - Drilon
MANILA, Philippines – Ibubuhos ng Liberal Party ang trabaho para iangat pa ang mga numero ni Secretary Mar Roxas para sa halalan sa 2016.
Ito ang inihayag ni LP Vice Chair at Senate President Franklin Drilon at nagsabi rin na dapat nang itigil ang panliligaw ng LP kay Senador Grace Poe para maging running mate ni Roxas.
“In my view, Sen. Grace Poe is already a candidate for president. The writings are on the wall. She will run. So we prepare and complete our slate for 2016, including the senators,” sabi niya.
Sa kabila ito ng mga pahayag ni Poe na wala pa siyang desisyon kung tatakbo, pero hayag ng nag-iikot at nangangampanya ang senadora.
“Hindi naman niya gagawin iyan kung hindi ka kandidato. Hindi madaling mag-ikot,” sabi ni Drilon.
Hindi naman nabahala si Drilon sa mga lumalabas na survey at sinabing may stratehiya na ang LP, pero tumanggi siyang ibunyag ito.Nang tanungin tungkol sa kanilang mga plano, sinabi ni Drilon na ihaharap ng partido sa mga botante ang programa ni Roxas para ituloy ang Daang Matuwid. “More on that rather than personalities. Secretary Roxas, indisputably, will continue this principle,” banggit niya.
Panatag naman si Drilon na sapat pa ang panahon makapili ng malakas na running mate si Roxas. Ilang sikat na personalidad din ang nababanggit na pinagpipilian: sina Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo at Batangas Governor Vilma Santos ay iilan lamang sa mas matunog na paborito para sa puwesto.
- Latest