^

Police Metro

CCT program lahat makikinabang - VP Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ni Vice President Jejomar C. Binay na kung sakali na manalong presidente sa 2016 ay ipagpapatuloy niya ang Conditional Cash Transfer (CCT) program,subalit ito ay kanyang irereporma upang masiguro na makarating sa tunay na benepisaryo.

Sinabi pa ni Binay na ang CCT program ang siyang pinakamalaking bumubuhos ng pondo sa mga health centers at hospitals at iba pang panga­ngailangan tulad ng  pagbili ng murang gamot, subalit hindi naman nito natutugunan ng local government unit ang panga­ngailangang medical ng mahihirap nilang constituent dahil sa kakulangan ng manpower at pasilidad dahil sa limitadong pananalapi.

“Nakakalungkot isipin,ilang dekada na ang nakakalipas ay may mga ospital pa rin na kulang sa kagamitan na kung saan ang mga pasyente ay namamatay na lang na hindi man lang nabigyan ng pangunahing lunas” wika ni Binay.

Sisiguraduhin ni Binay na kapag nanalong pangulo na ang lahat ng Filipino ay magkakaroon ng sapat na kalusugan upang malayo sa mga sakit at karamdaman.

Pero,ayon kay Binay na ang pinakamatagal at pinakamagaling na solusyon sa kahirapan ay mabigyan ng pamahalaan ng trabaho ang taumbayan.

“Upang  magawa ito ay kailangan ng pamahalaan na maganyak ng maraming  foreign investors sa Pilipinas upang ang bansa ay mas lalong maging  “competitive business” at “investment destination” ,wika ni Binay.

Idinagdag pa ni Binay na balewala ang pag-unlad kung iilan lamang ang nakikinabang.Dapat ay kasalo ang lahat sa pag-unlad.

Ang dahilan ni Binay kaya’t nais niyang ipagpatuloy ang  CCT dahil sa kanyang mahabang karanasan bilang isang local government na nagturo sa kanya ng kahalagan ng  continuity, predictability, at sustainability.

ACIRC

ANG

BINAY

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DAPAT

IDINAGDAG

INIHAYAG

NAKAKALUNGKOT

NBSP

PERO

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with