^

Police Metro

NBI nagbabala sa pyramiding scam sa FB

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa patuloy na pagkalat ng iba’t ibang uri ng pyramiding scam lalo ang mga pinakakalat sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook.

Ipinatawag kamakailan ni Anti-Fraud Division chief Atty. Dante Jacinto ang opisyales ng Alpha Networld Corporation sa pangunguna nina Julius Allan Nolasco,  Josarah Nolasco at June Paolo Nolasco matapos silang ireklamo ng pyramiding scam ng negosyanteng si Emmanuel Estrella.

Ginagamit ni Nolasco at ng iba pang kasabwat na sina Lazarus David, Emily Ann Bacolod, Pierre Jasper Bacolod, Jennet Gorospe, Ma. Jacyn Tecson at Arthur Macogay Jr. ang kanilang FB accounts upang makaengganyo ng mga mare-recruit sa pyramiding scam na pinagpapasok ng pera sa kanilang bank accounts kapalit ng pangakong daang libong tubo na ang kumpanya ay nito lamang Hulyo 9,2015 nagparehistro sa Securities and Exchange Commission.

“Taktika nila na ipakikita sa FB ang bank slips na may naghulog ng milyon-milyong piso sa kanilang pioneering packages at nagpapakita rin ng makakapal na pera kaya marami silang nakukumbinseng sumosyo gayong wala silang malinaw na produkto”, ayon sa isa sa mga nabiktima na si Jane Disierto.

Ayon kay Jacinto, pinagpapaliwanag na nila sa NBI si Nolasco at ang kanyang mga kasamang opisyales sa Alpha Networld dahil sa mga ebidensiyang ipinakita sa Anti-Fraud Division ay malinaw na isang uri ito ng pyramiding scam.

vuukle comment

ALPHA NETWORLD

ALPHA NETWORLD CORPORATION

ANG

ANTI-FRAUD DIVISION

ARTHUR MACOGAY JR.

DANTE JACINTO

EMILY ANN BACOLOD

EMMANUEL ESTRELLA

JACYN TECSON

JANE DISIERTO

JENNET GOROSPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with