^

Police Metro

Testigo vs Binay may P2-M cash advance na unliquidated

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hiniling ng kampo ni Vice President Jejomar Binay kay acting Makati Mayor Romulo Peña, Jr.,na iutos kay Arthur Cruto, ang dating executive assistant ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado at kasalukuyang officer-in-charge ng Makati Action Center (MAC) na bayaran o ibalik ang mahigit P2 milyong unliquidated cash advance nito noong 2004 hanggang 2005.

Ayon kay Joey Salgado, pinuno ng Media Affairs ng Office of the Vice President, lumalabas sa rekord ng Makati City Accounting Department nitong Agosto 26, 2015 na bigo si Cruto na magsumite ng liquidation documents para sa ginawang dalawang cash advances nito sa loob ng 10 taong nagdaan.

Isa dito umano ay nagkakahalaga ng P1,820,000 noong Agosto 2004 para sa selebrasyon ng Araw ng Makati 2004 at sa A.R.I.S Seminar na umabot sa P300,600 noong Abril 2005.

Sinabi ni Salgado, dapat na atasan ni Peña si Cruto na sumunod sa mga ipinatutupad na polisiya ng pamahalaan pagda­ting sa mga cash advances at magsumite ng mga karampatang dokumento kung paano nagastos ang halagang P2,104,102.90, at isauli kung may natirang balanse.

Lumalabas na halagang P16,497.10 lamang ang na-liquidate ni Cruto mula sa ikalawang cash advance nito para sa nasabing seminar noong 2005.

Si Cruto ang nagsilbing “resource person” ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee at tumestigo laban kay VP Binay sa isyu ng “ghost senior citizens” na kinuwestyon naman ni dating Makati Social Welfare Department head Ryan Barcelo sa pamamaraan nito nang paggamit ng data sa pagsasagawa ng survey ng mga sinasabing “ghosts” senior citizens sa lungsod.

ACIRC

AGOSTO

ARTHUR CRUTO

ATILDE

CRUTO

JOEY SALGADO

MAKATI ACTION CENTER

MAKATI CITY ACCOUNTING DEPARTMENT

MAKATI MAYOR ROMULO PE

MAKATI SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

MEDIA AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with