Dalaga utas sa lover na ex-pulis
MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 27-anyos na dalaga nang ito ay barilin ng kanyang lover na isang dating pulis-Caloocan sa gitna ng kanilang pagtatalo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Ang nasawi ay kinilalang si Catherine Agudo, 27, tubong Esperanza, Masbate at nakatira sa Block 1-A Lot 30 Phase 3 Brgy. 14 Kaunlaran Village, Caloocan City.
Tumakas ang suspek na kinilalang si Tito Cabuatan, 54, retiradong pulis na nakatalaga dati sa Caloocan Police Station.
Sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Sarah Agudo, dakong ala-1:10 ng madaling araw ay nagising siya sa pagtatalo ng kapatid at suspek sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay.
Ilang sandali ay nakarinig ito ng dalawang sunod na putok ng baril at nasalubong ang suspek na tumatakas na nagsabi na pinatay na niya ang biktima at pinagbantaan na papatayin din siya.
Sa takot ni Sarah ay nagtatakbo ito habang ang suspek ay tumakas dala ang baril na ginamit sa krimen.
- Latest