^

Police Metro

8 ‘accusers’ ni Binay gigisahin

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binabalak ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na gisahin ang 8 accusers kabilang ang dalawang supporters umano ni DILG Secretary Mar Roxas at AMLAC members.

Ito’y matapos na magsampa ng motion sa Makati RTC Branch 133  ang abogado ni Binay na si Atty. Claro Certeza noong Agosto 26, 2015 para magsabi ang walong indibidwal ng katotohanan.

Ang walong indibidwal na kanilang ipapatawag na una na ring sinampahan ni Binay ng P200 million da­mage suit ay sina Anti-Money Laundering Council (AMLC) member at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr.; AMLC executive director Julia Abad; Senate staff members Jaye dela Cruz-Bekema; Sara Arriola, at Cecilia Lero; Presidential Adviser Ronald Llamas; Vince Dizon; Francisco Enrico Gutierrez ng  SR Metals, Inc., at Salvador Zamora ng Nickel Asia Corporation na inaasahan nilang magsasabi ng totoo at kung hindi ay sasampahan umano nila ito ng perjury.

“Maganda itong motion na ito para mapabilis ang pagdulog ni Vice President Binay sa kaso nya laban sa mga taong may kinalaman sa paninira sa kanya,” wika ni Atty. Certeza.

Nabatid din na ang mga negosyanteng sina Gutierrez at Zamora ay may ugnayan sa pribadong chopper na nag-i-espiya sa iba’t ibang ari-arian na sinasabing pag-aari ng mga Binay sa pamamagitan ng aerial snapshots.

Ang dalawa rin negos­yante ay napag-alaman na supporters umano ni Roxas II na tatakbong pangulo sa ilalim ng LP sa 2016.

Hihilingin ng kampo ni Binay sa korte na ang walong indibidwal ay gisahin para ibulgar ng mga ito kung ano ang kanilang kinalaman sa umano’y “systematic at well-funded persecution” laban sa Bise Presidente.

“Nais naming malaman kung bakit ang mga kawani ng gobyerno ay la­ging nagtitipon sa labas ng Senado kasama ang walong nabanggit na ang isang agenda ay usigin si VP Binay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

BANGKO SENTRAL

BINAY

BISE PRESIDENTE

CECILIA LERO

CLARO CERTEZA

FRANCISCO ENRICO GUTIERREZ

JULIA ABAD

NICKEL ASIA CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with