Mga tauhan ng TF Pantalan inireklamo ng BoC brokers
MANILA, Philippines - Isang grupo ng broker na nakabase sa Bureau of Customs (BoC) ang nanawagan kahapon kay Task Force Pantalan Chief Rene Almendras na aksiyunan ang umano’y pananakot at pangongotong ng ilang nagpapanggap nitong tauhan.
Simula nang batikusin ng ilang mamamahayag ang ilang tauhan ng TF Pantalan ay tumigil ang operasyon nito sa panghuhuli ng dalawang buwan.
Pagkatapos nito ay muling nagsagawa ng operasyon noong nakaraang linggo ang TF Pantalan kahit na walang go-signal na sila ay manghuli ng illegal smuggling na kinabibilangan ng isang “alias Captain Ibay at isang “alias Jun Kalabaw” na hindi naman deputized ng nasabing task force.
Bukod dito, ay sinabi ng ilang broker na sila ay tinatakot ng mga pekeng deputized ng TF Pantalan na kapag hindi sila naglagay sa bawat container van sa halagang P5,000 hanggang P10,000 sila ay huhulihin.
Kaya’t panawagan ng grupo ng mga broker kay Almendras na aksiyunan ito sa lalung madaling panahon.
- Latest