^

Police Metro

1st year high school, nagbigti ng kumot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigti ang isang 15-anyos na dalagita gamit ang kumot sa kanyang silid dahil sa matinding depresyon kamakalawa sa Brgy. 8, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinilalang si Aira Jay Tendido , 1st year high school sa Mindanao Arts and Technological Institute (MATI).

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang madiskubre ang pagpapakamatay ni Tendio sa bahay  ng kaniyang lola na kanyang tinutuluyan habang pumapasok sa eskuwelahan sa lungsod.

Bago ito, ilang araw na umanong matamlay ang dalagita na huling nakitang buhay matapos itong manggaling sa  basketball court.

Nagkulong sa kaniyang silid ang biktima at dakong alas-6:00 ng gabi nang katukin ng kaniyang inang si Ivy Tendido na dinalaw ang anak, subalit ayaw sumagot.

Napilitan ang mga kasambahay ng dalagita na sirain ang seradura ng pinto  hanggang sa madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima.

Itinakbo pa sa Bukidnon Provincial Medical Center sa Malaybalay City ang biktima, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

AIRA JAY TENDIDO

ANG

BATAY

BRGY

BUKIDNON

BUKIDNON PROVINCIAL MEDICAL CENTER

ITINAKBO

IVY TENDIDO

MALAYBALAY CITY

MINDANAO ARTS AND TECHNOLOGICAL INSTITUTE

NAGBIGTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with