^

Police Metro

Desperadong mister, nagbigti

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winakasan ng 45-an­yos na mister ang sariling buhay makaraang magbigti sa kanyang bahay dahil sa kawalan ng trabaho, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang nag-suicide na si Elmer Termolo ng #128 Libis Talisay Dulo, Brgy. 12 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alauna y medya ng hapon nang makatanggap ng tawag ang duty desk office ng Caloocan City PNP kaugnay sa pagpapakamatay ni Termolo.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section kung saan nadiskubre ang nakabiting bangkay ni Termolo gamit ang mahabang kable ng kuryente na isinabit nito sa kisame.

Nabatid na nadiskubre ang pagbibigti ni Termolo ng kasamahan nito sa bahay na si Angel San Balagtas matapos itong umuwi mula sa paaralan.

Tumanggi naman ang misis ni Termolo na isailalim sa autopsy ang bangkay nito dahil sa paniwala na kusang nagpatiwakal ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL SAN BALAGTAS

BRGY

CALOOCAN CITY

ELMER TERMOLO

LIBIS TALISAY DULO

NABATID

NAKILALA

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

TERMOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with