^

Police Metro

‘Anak huwag mo akong patayin!’

Angie dela Cruz, - Pang-masa

“Titing-Titing, anak huwag mo akong patayin”.

MANILA, Philippines – Ito ang isinisigaw at nagmamakaawang ina na si Esmeralda Soria, 68, biyuda sa kanyang anak na si Sherwin Soria, 34, alyas Titing na narinig ng isa nitong anak.

Sa salaysay ng isa pang anak ng biktima na si Mary Ann, 41, sa pulisya na dakong alas-3:00 ng madaling araw ay narinig niya ang pagsigaw ng ina na humihingi ng tulong at nagmamakaawa sa kanyang kapatid na huwag siyang patayin nito.

Dahil sa kalapit lang ang bahay ni Mary Ann sa bahay ng ina na matatagpuan sa #3773 Petchayan,  Purok 7, Sitio 4, Barangay 178 Camarin ng nasabing lungsod ay agad siyang nagtungo kasama ang ibang kaanak.

Puwersahan nilang binuksan ang pinto at dito ay tumambad ang duguang ina na wala nang buhay dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober ng pulis­ya ang isang duguang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa ina gayundin ang ilang upos ng sigarilyo at basag na salamin ng bintana na pinaniniwalaang doon dumaan ang suspek.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naaresto ang suspek sa bahay nito sa Block 3, Lot 4, Banana Hills, Barangay 178 Camarin ng nasabing lungsod.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may ibang kasama ang suspek at ang dahilan kung bakit niya pinatay ang kanyang sari­ling ina.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANANA HILLS

DAHIL

ESMERALDA SORIA

INA

INIIMBESTIGAHAN

ITO

MARY ANN

NAGSAGAWA

SHERWIN SORIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with