^

Police Metro

Pulis Quezon City natagpuang patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay sa loob ng kanyang tinutulu­yan ang isang pulis na naka-assign sa Quezon City Police District (QCPD) kamakalawa.

Ang biktima na may tama ng bala sa sentido ay kinilalang si PO3 Julio Delos Santos, 52, may-asawa, nakatalaga sa Police Station 6 at residente sa no 120 J. Kapiligan St., Brgy. Doña Imelda sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang matagpuang duguan ang biktima ng kaibigang si Wilfredo Bagunu nang ito ay bumisita.

Sa salaysay ng kapitbahay ng biktima na si Mary Francis Aviado sa pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa kuwarto ng biktima pero binalewala lamang niya ito.

Hanggang dumating si Bagunu sa bahay ng biktima na siyang nakatuklas sa bangkay na nakasandal sa dingding ng kuwarto.

Humingi ng tulong si Bagunu sa mga kapitbahay na siyang tumawag sa barangay na nagreport naman sa pulisya.

Ayon sa mga rumes­pondeng pulis na nakita sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang kalibre 9mm na pistola na may basyo ng bala at magazine nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BAGUNU

JULIO DELOS SANTOS

KAPILIGAN ST.

MARY FRANCIS AVIADO

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

WILFREDO BAGUNU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with