^

Police Metro

Bakbakan sa Basilan: 3 utas, 7 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo habang pito pa ang nasugatan sa naganap na sagupaan kamakalawa ng umaga sa Brgy. Baiwas, Sumisip, Basilan.

Batay sa ulat na natanggap ni Lt. Sally Christine Magno, Spokesperson ng Joint Task Group (JTG) Basilan na bandang alas-11:00 ng umaga ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng militar nang masabat ang nasa 60 bandido sa nasabing lugar na nauwi sa bakbakan.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na  ikinasawi ng isang sundalo at ikinasugat ng isa pa sa tropang gobyerno na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas. Habang dalawa ang nasawi sa panig ng mga bandido at anim ang nasugatan.

Ang pinangyarihan ng bakbakan ay kilalang balwarte ng mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa paghahasik ng terorismo.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ANG

BAIWAS

BASILAN

BATAY

BRGY

HABANG

JOINT TASK GROUP

NASAWI

SALLY CHRISTINE MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with