Comelec naglabas ng mga ‘bawal’ sa panahon ng eleksyon
MANILA, Philippines – Naglabas ang Commission on Elections ng mga listahan na ‘bawal’ sa panahon ng halalan sa Mayo 2016 na magsisimula ang election period sa January 10 hanggang June 8, 2016.
Kaya’t mahigpit na babantayan ng Comelec ang pagsunod ng mga kandidato sa mga hakbang o gawain na ipinagbabawal sa nabanggit na panahon.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang paglilipat ng mga opisyal at empleyado na nasa civil service; pagdadala o pagbibiyahe ng mga armas at mga deadly weapon maliban kung may pahintulot ng Comelec; paggamit ng mga security personnel o bodyguard ng mga kandidato.
Bawal din ang pagpapataw ng parusa o suspensyon laban sa isang halal na lokal na opisyal; ang pagbibigay ng donasyon o regalo, cash o in kind; ilegal na pagpapalaya sa mga bilanggo; pagtalaga o pagkuha ng mga bagong empleyado; paglikha ng mgabagong posisyon; pag-promote o pagbibigay ng umento sa sahod at iba pang pribilehiyo.
Hindi rin pinahihintulutan ng Comelec ang pagsasagawa o konstruksyon ng public works o paghatid ng mga materiyales para sa public works at pag-iisyu ng treasury warrant para sa isang proyekto sa hinaharap na ang gagamitin ay pondo ng gobyerno.
Samantala, magsisimula ang panahon ng kampanya para sa mga kumakandidato sa pagka-Pangulo, Bise Presidente, Senador at partylist representatives sa February 9 hanggang May 7, 2016.
Habang sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon kabilang na ang mga myembro ng House of Representatives ay mula March 25 hanggang May 7, 2016.
- Latest