^

Police Metro

Nanay nag-suicide, anak isinama sa hukay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matinding depres­yon sa buhay ang isa sa motibo kaya nag-suicide  ang 40-anyos na nanay matapos itong uminom ng kape na may lason at isinama pa ang kaniyang anak na lalaki kahapon ng umaga sa bayan ng Cabatuan, Iloilo.

Kinilala ng pulisya ang mag-ina na sina Lucia Marte at anak nitong tinukoy lamang sa palayaw na Boy.

Base sa ulat ng Iloilo PNP na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-8 ng umaga nang silipin ni Leo Coronado ang mag-ina upang kamustahin subalit natanaw nitong  kapwa bumubula ang bibig sa may sala ng kanilang bahay sa Brgy. Janipaan Oeste.

Gayon pa man, napilitang humingi ng tulong si Coronado sa mga kapitbahay kung saan puwersahang binuksan ang bahay ng mag-ina.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mag-ina pero kapwa idineklarang patay.

Natagpuan naman ng mga imbestigador ang tasa ng kape na pinaniniwalaang hinaluan ng lason ng nanay habang dalawa naman sachet ng Lanit Insecticide ang natagpuang wala ng laman sa loob ng kuwarto ng mag-ina.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CABATUAN

CAMP CRAME

GAYON

ILOILO

JANIPAAN OESTE

LANIT INSECTICIDE

LEO CORONADO

LUCIA MARTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with