^

Police Metro

Tinedyer nilamon ng makina

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na binatilyo ang nasawi matapos na ito ay lamunin ng makina ng pangdurog ng yelo o ice crusher habang kumukuha ng mga durog na yelo sa makina sa fishing port ng Brgy. Dugcal, Camaligan, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Angelo Tacorda, residente ng Zone 2, Brgy Bagacay, Tinambac, Camarines Sur.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi ay pumunta ang biktima sa nasabing lugar kasama ang kanyang kaibigan na si Norman Almadin, 17.

Habang kumukuha ng durog na yelo na ginagamit sa paglalagay sa mga nahu­ling isda ay biglang umikot ang makinarya dahilan upang kainin ang kamay ng biktima.

Sa katarantahan at takot ni Almadin, hindi nagawang matanggal mula sa pagkakasaksak ang nasabing ice crusher na naging dahilan upang ang kalahating katawan nito ay tuluyang kainin ng makina hanggang sa tuluyang bawian ng buhay ang biktima.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon nang mga otoridad kung ang nasabing pangyayari ay sinadya o aksidente.

vuukle comment

ACIRC

ALMADIN

ANG

ANGELO TACORDA

BATAY

BRGY

BRGY BAGACAY

CAMALIGAN

CAMARINES SUR

DUGCAL

NORMAN ALMADIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with