^

Police Metro

Hapones dinukot sa taxi

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mahigit sa 10 milyon Yen o nasa mahigit P2 milyon ang natangay sa isang 46-anyos na Japanese national na dinukot ng  dalawang lalaki habang ito ay nasa loob ng taxi sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Hideaki Okazaki, nanunuluyan sa Robinson Tower 1, Room 11- H, Pedro Gil St., Ermita.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagdukot sa biktima dakong alas-12:45 ng hapon noong Lunes sa sinasakyang taxi ng dalawang suspek ay galing ito sa CCP Complex sa Pasay City dahil sa mayroon itong naka-meeting na business partner na kanyang ding kababayan at sumakay ng taxi.

Habang nasa taxi at binabaybay ang service road para  magpapahatid sa Diamond Hotel ay bumaba ang taxi driver sa tapat ng Grand Boulevard Hotel para umihi.

Ilang minuto ang nakalipas ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki na naka-bonnet at puwersahan kinuha sa loob ng taxi at tinutukan ng baril bago inilipat sa isang kotse.

Sa loob ng kotse ay inutusang huwag mag-ingay at saka piniringan ang mga mata at tinalian ng plastic straw at kinuha ang mga dala niyang kagamitan kabilang ang 10 milyong Yen.

Malayo ang kanilang nilakbay bago inihulog sa sasakyan ang biktima sa bahagi ng Quirino Avenue, Parañaque City.

ANG

ATILDE

BATAY

DIAMOND HOTEL

ERMITA

GRAND BOULEVARD HOTEL

HIDEAKI OKAZAKI

PASAY CITY

PEDRO GIL ST.

QUIRINO AVENUE

ROBINSON TOWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with