^

Police Metro

Babae ni-rape, pinatay ng lover na sekyu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hininalang ginahasa muna bago pinatay ang isang babae ng kanyang live in partner na sekyu sa loob ng isang bakanteng unit ng isang gusali sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Noreen Matu­ngay, 22, ng Villa Espana 1 Brgy. Tatalon ng lungsod. Habang pinagha­hanap naman ang live in nito na si Alberto Tamidles, 41, security guard ng Block 7, Lot 13, Leo St., Camella Homes 3, Tunasan, Muntinlupa City.

Bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-7:20 ng gabi sa bakanteng unit ng Fortune Bldg., na matatagpuan sa Banawe malapit sa kanto ng Quezon A­venue, Brgy. Tatalon ay nagalit umano ang suspek nang magpaalam ang biktima noong Agosto 8 na tapusin na ang kanilang relasyon.

Ayon sa kaanak ng biktima na si Nordiana Manincara na sinamahan niya ang biktima sa lugar para makipagkita sa suspek na nakadestino bilang guwardiya at pagdating doon ay inutusan siya ng suspek na bumili ng pagkain para din sila magka-usap ng sarilinan

Ilang minuto ay nagbalik si Manincara atnasa loob na unit ang dalawa na nakasama at ilang sandali ay lumabas ang suspek na nakahubo at may bakas ng dugo sa kanyang damit at mu­ling  isinara ang pintuan sa labas bago tuluyang tumakas.

Kaya’t nagpasya si Manincara na humingi ng tulong sa ilang concerned citizen sa lugar na siya namang tumawag ng otoridad para sa pagsisiyasat at dito nadiskubre ang bangkay ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ALBERTO TAMIDLES

ANG

BRGY

CAMELLA HOMES

FORTUNE BLDG

LEO ST.

MANINCARA

MUNTINLUPA CITY

NORDIANA MANINCARA

NOREEN MATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with