^

Police Metro

Kelot dedo sa rumespondeng pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki habang dalawang iba pa ang nasu­gatan nang sila ay mabaril ng rumes­pondeng pulis sa gulo sa videokebar kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Carlo Durias, 27, binata, ng Valenzuela City, habang sugatan naman sina Raymond Sotea, 27, at ang 64-anyos na si Valentino Yanga.

Sumuko ang nakabaril na si PO3 Addrich Reagan De Leon, nakatalaga sa Warrant and Subpoena Section ng Malabon Police.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi ay umiinom sa loob ng GTO Videoke Bar sa may Rivera St., Brgy. Tinajeros, ang grupo ni Yanga, kasama ang isang Ramon Saraguno at alyas “Ike” nang atakehin umano ng grupo ni Durias kasama sina Sotea, Loel Martin at isa pa dahil sa asaran sa pagkanta.

Rumesponde naman sa naturang bar si PO3 De Leon nang hingan ng saklolo ng isang residente.

Pinagtulungan umano ng mga suspek si PO3 De Leon at tangkang sasaksakin ni Durias, subalit nang makahulagpos ang huli  ay nabaril sa sikmura ang una.

Ang mga sugatang sina Yanga at Sotea na binugbog naman umano ng taumbayan.

 

vuukle comment

ACIRC

ADDRICH REAGAN DE LEON

ANG

CARLO DURIAS

DE LEON

DURIAS

LOEL MARTIN

MALABON CITY

MALABON POLICE

RAMON SARAGUNO

RAYMOND SOTEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with