^

Police Metro

CCTV sa Kamara palpak

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadiskubre lang na palpak ang mga closed circuit television sa Kamara nang isagawa ang huling imbestigasyon sa Wang Bo.

Kaya’t nangangamba ang mga kongresista sa kanilang kaligtasan kahit na nasa loob pa sila ng Batasan Complex sa Quezon City.

Kaya’t nagkakaisa ang mga kongresistang dumalo sa nasabing imbestigasyon na kailangang gastusan ng Kamara ang upgrading ng kanilang CCTV system.

Sa pahayag ni House Technical Security Unit Chief Samuel Pandagani na noong 2004, mahigit 40 camera ang naikabit sa Kamara, subalit 33 na lamang dito ang gumagana.

Noong 2008 ay 32 naman ang nailagay na camera sa Batasan Complex bilang bahagi ng upgrading, subalit 30 na lamang ang nagagamit sa mga ito.

Nagkaroon ng upgrading noong 2010 nang magkabit ng 269 na camera, subalit nasira ang server ng CCTV system kasabay ng maraming camera, subalit may nakumpuni naman sila dito.

Nitong huling State of the Nation  Address (SONA) ni Pangulong Aquino ay 13 CCTV lamang ang kanilang napagana.

Kaya’t napilitan na si 1BAP partylist Rep. Silvestre Bello na harangin ang diskusyon dahil nakasalalay na dito ang kaligtasan ng Mababang Kapulungan sapagkat nalalantad sa buong bansa ang kahinaan ng security system ng kanilang institusyon.

Naungkat na hindi gumagana ang CCTV system sa Batasan Complex nang hiningi ang footage noong mga araw na sinasabing nai-deliver dito ang trak-trak ng salapi mula kay Wang Bo na panuhol umano sa mga kongresista kapalit ng pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Komite.

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BATASAN COMPLEX

HOUSE TECHNICAL SECURITY UNIT CHIEF SAMUEL PANDAGANI

KAMARA

KAYA

MABABANG KAPULUNGAN

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY

WANG BO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with