^

Police Metro

Miyembro ng Masculados Dos inutas ng karnaper

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang isa sa miyembro ng Masculados Dos na sinasabing pumalag sa mga karnaper matapos itong barilin sa bisinidad ng Primrose Hills Subd. sa bayan ng Angono, Rizal kahapon ng mada­ling umaga.

Kinilala ang biktima na si Ozu Ong na Marcy Jhay Ong sa tunay na buhay, 29, at nakatira sa nasabing subdivision.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Teresa Niña, nabatid na pauwi na ang biktima nang harangin ng mga di-kilalang lalaki na sinasabing miyembro ng carnapping syndicate.

Pinagpilitang pababain sa kanyang sasakyang To­yota Hi-Lux (AAO 2722) ang biktima pero tumanggi at tinangkang manlaban kaya siya binaril.

Tinangay ng mga karnaper ang sasakyang itim ng biktima na napuruhan sa dibdib at namatay bago pa maisugod sa ospital.

Si Ozu na tinanghal na Mr. AMA Antipolo noong 2007 ay gumanap na rin sa ilang programa sa telebisyon tulad ng TV series na “Little Star” kung saan co-model siya ni Lovi Poe.

Naging kaibigan din siya ni Mark Anthony Fernandez sa seryeng “Munting Heredera” at bodyguard naman ni Al Tantay sa programang “Gumapang Ka sa Lusak” noong 2010.

vuukle comment

ACIRC

AL TANTAY

GUMAPANG KA

LITTLE STAR

LOVI POE

MARCY JHAY ONG

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MASCULADOS DOS

MUNTING HEREDERA

OZU ONG

PRIMROSE HILLS SUBD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with