^

Police Metro

Hepe ng pulis na naghubo, kinasuhan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos na sibakin sa puwesto ang hepe ng Famy Municipal Police Station sa lalawigan ng Laguna dahil sa reklamo ng babaeng pulis ay sinampahan na ito ng kasong kriminal.

Nabatid na iniutos ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na pormal nang sampahan ng kasong sexual harassment  si Sr. Inspector Rex Langkay sa Laguna Regional Trial Court (RTC).

Ipinagharap rin ito ng kasong administratibo at grave misconduct at isasalang  rin sa Pre-Charge, Evaluation and Investigation Section ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM)  o ang dismissal proceedings  sa Camp Crame.

Magugunita na si Langkay ay inireklamo ng sexual harassment ng isang lady cop at isang sibilyang empleyada matapos silang ipatawag nito sa kaniyang tanggapan noong Hulyo 22.

Nang mag-report ang dalawa ay walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan si Langkay bunsod upang mabastos ang lady cop at ang sibilyang empleyada ng makita ang ari ng kanilang hepe kaya nagdesisyong ireklamo nila ito.

Nang makarating sa kaalaman ni Marquez ang insidente ay agad nitong inianunsyo ang pagsibak kay Langkay.

ANG

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

EVALUATION AND INVESTIGATION SECTION

FAMY MUNICIPAL POLICE STATION

HULYO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

LAGUNA REGIONAL TRIAL COURT

LANGKAY

NANG

SR. INSPECTOR REX LANGKAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with