^

Police Metro

Mag-ama tinodas habang natutulog

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Si Bonjing anak ni kagawad Crispin, siya ang bumaril sa amin”.

Ito ang nasambit ng isa sa biktima sa kanyang kapatid habang silang mag-ama ay dinadala sa ospital matapos pagbabarilin ng anak umano ng isang kagawad sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang mag-amang sina Jay Casonete, 43, at anak nito na si Jessie Casonete, 22, kapwa residente ng Blk. 38, Lot 9, Phase 2, Carissa Homes, Brgy. Bagtas ng nasabing bayan.

Ang tinutukoy ng batang Casonete na bumaril sa kanila ay isang Ymark Toledo, nasa hustong gulang alias Bonjing, residente ng lugar at anak ng kagawad.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay natutulog ang pamilya Caso­nete nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril ang anak ng biktima na si Keichlien,16 sa loob ng kanilang bahay.

Agad itong tumayo at sumilip sa pinanggalingan ng mga putok at tumambad sa kanya ang mga nakahandusay na duguang katawan ng kanyang ama at kuya.

Nakausap pa umano niya ang kanyang kuya at pasigaw nitong nasambit ang pangalan ng anak ng kagawad na tumakas sakay ng motorsiklo.

Narekober ng pu­lisya sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng caliber 45 at M16 armalite.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

BAGTAS

BATAY

BRGY

CARISSA HOMES

JAY CASONETE

JESSIE CASONETE

SI BONJING

YMARK TOLEDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with