^

Police Metro

P-Noy ‘di sumali sa earthquake drill

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinagawa kahapon ang synchronized earthquake drill sa Metro Manila, subalit hindi nakita na sumali si Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Deputy presidential spokeswoman Abigail Valte na sa halip sumali ang Pa­ngulong Aquino sa earht­quake drill sa Malacañang ay minarapat na lamang nito na umeskapo para i-monitor ang iba pang earthquake drill sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Sinigurado naman ni Valte na ang  Presidential Security Group ay mayroong “solid evacuation protocols” sa lugar para sa kaligtasan ng Pangulo kung sakali na mangyari ang malakas na lindol sa bansa.

Sinabi naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., nanatili lamang si Pangulong Aquino sa Bahay-Pangarap sa PSG Park at  tumanggap lamang ng mga report kaugnay sa isinagawang earthquake drill.

Nabatid na eksaktong alas-10:30 ng umaga sumali ang mga opisyal ng Palasyo at mga kawani sa disaster drill sa New Executive Building.

Bukod sa Malacañang ay nagsagawa rin ng earthquake drill ang iba’t ibang eskwelahan, establisyimento sa buong Metro Manila at ilang lugar sa lalawigan.

ABIGAIL VALTE

ACIRC

ANG

ATILDE

HERMINIO COLOMA JR.

MALACA

METRO MANILA

NEW EXECUTIVE BUILDING

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with