PAGASA nagpagawa ng relo na P50-M
MANILA, Philippines – Kinondena ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagpapagawa nito ng relo na nagkakahalaga ng P50 milyon sa harap ng gusali ng ahensiya para umano maipamalas sa publiko ang tamang oras sa bansa.
Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON na sobrang laki ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa isang dambuhalang relo ng gayung hindi naman anya ito higit na kailangan.
Mas mainam pa sana kung nailaan na lamang ang pondo sa mga gastusin para maisailalim sa rehabilitasyon ang Plate Making Plant ng Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue QC upang sanay mailibre na sa mga car owners ang iniisyung plaka ng ahensiya na may halagang P450.00 kada sasakyan.
- Latest