Wanted sa murder napatay sa shootout
MANILA, Philippines - Napatay ng pulisya ang isang lalaking most wanted sa kasong murder nang ito ay manlaban sa halip na sumuko naganap kamakalawa sa Aklan.
Kinilala ang nasawing suspek na si Giovanni Masula, 53, ng Brgy. Osman Malinao, Aklan.
Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang maispatan ng mga otoridad ang suspek na itinuturing na no. 1 most wanted na kriminal sa nasabing lalawigan.
Nang maramdaman ng suspek ang presensya ng mga otoridad ay agad itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout na ikinasawi ng una at pagkasugat kay PO3 Roy Iguin.
- Latest