Anak sinaksak ang ama ng ice pick sa ulo, todas
MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang ama matapos na siya ay saksakin ng ice pick ng kanyang 22-anyos na anak sa ulo kamakalawa sa Valenzuela City.
Ang nasawi ay kinilalang si Resty Rafael, 40, may-asawa, heavy equiptment operator, no. 2023 Apolonia Street, Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.
Ang suspek ay anak nito na nakilalang si Richard Rafael, residente rin ng naturang lugar na agad tumakas.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-amang Rafael ukol sa isang insidente sangkot ang live-in partner ng suspek.
Nagbatuhan ang mag-ama ng bote ng softdrinks hanggang magpambuno at nadaig ng batang Rafel ang ama at nagawa nitong saksakin sa ulo ng ice pick.
- Latest