^

Police Metro

Sambayanan, dapat magkaisa vs China – Alunan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Libu-libong mamamayan mula sa iba’t ibang sektor sa pa­ngunguna ng West Phi­lippine Sea Coalition (WPSC)  ang nagsidalo sa protesta laban sa China na ginanap noong Biyernes sa Roxas Boulevard, Maynila.

Ayon kay dating Interior and Local Go­vernment secretary Rafael Alunan III, dapat na tuloy-tuloy ang mga ganitong uri ng protesta upang maramdaman ng China na hindi magsasawalang kibo ang sambayanang Pilipino sa pagtatanggol sa Inang Laya.

“Habang ang kaso ng panloloob ng China sa Pilipinas ay dinidinig sa Arbitral Tribunal sa The Hague, hindi tayo tinigilan ng mga Chinese. Patuloy lang ang paggiba nila sa ating coral reefs. Patuloy ang pag-agaw sa ating  mga isla. Patuloy ang ilegal na konstruksiyon sa Kalayaan Island Group na teritoryo natin,” ani Alunan na co-convenor ng WPSC.

Idinagdag niya na dapat nang magkaisa ang sambayanang Pilipino na kumilos upang iparamdam sa China na hindi tayo basta-basta  papayag na bastusin  ang ating soberanya.

Dapat na anya na iboykot ang mga produkto ng China na kung saan ay umabot na sa Pilipinas ang mga pekeng gatas at bigas, at mga nakalalason na mga laruan at gamot.

ACIRC

ANG

ARBITRAL TRIBUNAL

INANG LAYA

KALAYAAN ISLAND GROUP

MGA

PATULOY

PILIPINAS

PILIPINO

RAFAEL ALUNAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with