^

Police Metro

3 bata minasaker sa Batangas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong bata kabilang ang mag-utol ang minasaker ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Lipa City, Batangas kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Carlos Barde, hepe ng Lipa City PNP ang magkapatid na sina Princess Oliveros, 10; Prince Andrae Oliveros, 7; at ang pinsang si Joyce Ann Oliveros, 8.

Ayon sa police report, natagpuang patay ang mga bata sa loob ng kanilang kuwarto sa Harold Villalobos Apartment sa San Nicolas Sreet, Barangay Balin­tawak matapos magtungo ang kanilang tiyu­hing si Arthur Cunanan bandang alas-6:30 ng umaga.

Dadalhan sana ng pagkain ni Arthur ang mga bata nang matagpuang may mga sugat sa mga ulo na pinaniniwalaang pinukpok ng matigas na bagay.

Batay sa salaysay ng lola ng mga biktima na si Sefty Jane Oliveros at lolong si Alexander, iniwan nila ang tatlo sa bahay bandang alauna y medya ng madaling araw para magtinda sa Lipa Public Market nang maganap ang krimen.

 “Sinabihan ko pa nga si Princess na i-lock ang pinto bago kami umalis, tapos nung bumalik si Arthur para dalhan sila ng pagkain, doon natagpuan ang mga bata na patay na sa loob ng kanilang kwarto,” kuwento ng lola

Subalit sa panayam sa lola, sinabi nito na may pinagalitan siyang tatlong kalalakihan sa kanilang lugar na posib­leng gumawa ng pagpatay.

Hindi naman nito pinangalanan ang tatlo dahil na rin sa kanyang seguridad habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTHUR CUNANAN

BARANGAY BALIN

CARLOS BARDE

HAROLD VILLALOBOS APARTMENT

JOYCE ANN OLIVEROS

LIPA CITY

LIPA PUBLIC MARKET

MGA

PRINCE ANDRAE OLIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with