2 Abu napatay sa bakbakan
MANILA, Philippines - Napatay ng tropa ng pamahalaan ang dalawang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nang magsagupa sa magubat na bahagi ng Patikul, Sulu kamakalawa.
Sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang makasagupa ng mga sundalo ang tinatayang nasa 80 bandido mula sa grupo ni Abu Sayyaf Sub-Commander Hairulah Asbang sa Brgy. Danag, Patikul ng lalawigan.
Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na ikinasawi ng dalawang bandido na ang mga bangkay ay inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.
Narekober naman mula sa tabi ng bangkay ng mga napaslang na kalaban ang dalawang malalakas na kalibre ng armas.
Pinaniniwalaan naman na marami ang sugatan sa mga nakatakas na bandido at walang nasugatan sa panig ng pamahalaan. - Joy Cantos-
- Latest





















