Daloy ng mga sasakyan sa NLEX at SLEX bumibigat na
MANILA, Philippines – Habang papalapit ang Semana Santa ay nagsimula nang bumigat ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).
Inihayag ni SLEX Traffic and Safety Management chief Chito Silbol na volume na ang mga sasakyang pa Southern provinces at kamakalawa ng gabi ay umabot na sa mahigit 300,000 sasakyan ang dumaan sa SLEX kumpara sa regular na volume nitong 245,000.
Kaya’t dinagdagan na ang mga ambulant teller sa expressway, partikular sa Calamba at Sto. Tomas Toll Plaza.
Inaasahang mas bibigat pa ang trapiko sa SLEX mula Miyerkules Santo (Abril 1) hanggang Sabado de Gloria (Abril 4).
Magpapatupad naman ng express exit card sa NLEx para mapabilis ang biyahe ng mga motorista kaya’t tatlong toll plaza na lang ang daraanan ng mga sasakyan patungong Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Matapos magbayad sa Bocaue Toll Plaza, kailangang bumili ng card sa mga gasolinahan sa NLEX. Gamit ang card, hindi na kailangan pang huminto sa Dau Toll Plaza dahil sa Mabalacat Toll Plaza na ibibigay ang stub.
Martes (Marso 31) naman ng hapon hanggang Huwebes (Abril 2) ang inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan sa NLEX.
- Latest