^

Police Metro

Nag amok na mister dedbol sa parak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister ng mag-amok ito at barilin ng pulisya dahil sa pangha-harass ng una laban sa  isang pamilya sa  Vitali, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

 Ang biktimang si Romeo Atilano, nasa hustong gulang at residente rin sa nasabing lugar ay dead-on- arrival sa Vitali Lying In Clinic dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi ng humingi ng tulong si Maribel Francisco, 29, dahil hina-harass  ang kanilang pamilya ng suspek habang armado ng bagong hasang itak.

Mabilis na rumisponde ang pulisya ngunit sa halip na sumuko ay sinugod nito ng itak si PO1 Alex Pedro na nagawa namang maiwasan ang panganib. Hindi pa rito nagpaawat ang suspek at sinugod pa rin ang iba pang umaarestong pulis.

Dahil dito ay napilitan si Pedro na barilin ang suspek na nasapul ng bala sa katawan. Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang 19 pulgadang itak na gamit ng nasabing na mister.

vuukle comment

ALEX PEDRO

DAHIL

MABILIS

MARIBEL FRANCISCO

NAREKOBER

PATAY

ROMEO ATILANO

VITALI

VITALI LYING IN CLINIC

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with