^

Police Metro

300 bus na may special permit lalarga sa Semana Santa

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakapagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 300 special permits para sa Metro Manila buses  na papasada sa mga lalawigan sa nalalapit na Seamana Santa.

Ayon kay LTFRB Board Member Ronaldo Corpus, epektibong magagamit ang permit mula March 29 hanggang April 6 hanggang  sa matapos ang pagdiriwang ng Semana Santa.

Karaniwan na anyang nagbibigay ng special permit ang LTFRB sa tuwing may mahahalagang okasyon sa bansa tulad ng Semana Santa na dagsa ang mga pasahero sa uuwi sa kani-kanilang probinsiya.

Kaugnay nito, binalaan ni Corpus ang mga  van owners na walang franchise o mga colorum vehicles  na magsasamantalang magsakay palabas at papasok ng Metro Manila  sa Semana Santa.

Aabutin ng P120,000 ang penalty sa sinumang van owners na mahuhu­ling mangongolorum sa naturang okasyon.

Bukod dito, pinayuhan din ni Corpus ang mga passenger vehicle dri­vers na huwag manini­ngil ng pamasahe na mas mataas pa sa itinakdang minimum fare  ng LTFRB dahil kapag sila ay nahuli, malamang makansela pa ang kanilang franchise.

AABUTIN

AYON

BOARD MEMBER RONALDO CORPUS

BUKOD

KARANIWAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

SEAMANA SANTA

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with