^

Police Metro

Mister ipinapatay ng bf ng lover

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala na “love triangle” ang motibo sa pagpatay sa isang 51-anyos na caretaker nang pagbabarilin ito ng dalawang di kilalang kalalakihan na umano’y boyfriend ng dalagang karelasyon nito sa Barangay Tibag, Tarlac City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Francisco Miguel ay dead-on-arrival sa Tarlac Provincial Hospital dahil sa tama ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito habang sugatan naman ang kasamahan nitong si Michael Paraiso.

Sa ulat ng Tarlac City Police, naganap  ang insidente sa bahagi ng irrigation road ng Sitio Barbon, Brgy. Tibag, Tarlac City dakong alas -9:00 ng gabi. Kagagaling lang umano ng mga biktima sa fishpond na pinapasukan at pauwi na sakay ng motorsiklo nang biglang paulanan ng bala ng mga suspek na sakay naman ng pulang motorsiklo.

Sa salaysay ng mga testigo, inabangan umano ng mga suspek ang pagdaan ng biktima at saka tinarget ng bala. Isa umano sa mga suspek ay boyfriend ni Myra Dupitas, karelasyon ng biktima.

Inamin naman ng misis ng biktima na si Maria, 51 na may relasyon ang kanyang mister at si Dupitas at posibleng ito ang ugat ng insidente.

Nagtugma naman ang pulang Rusi motorcycle na sinakyan ng mga suspek sa ipinaradang sasakyan ng bf ni Dupitas nang bumisita ito sa huli. Patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BARANGAY TIBAG

BRGY

DUPITAS

FRANCISCO MIGUEL

MICHAEL PARAISO

MYRA DUPITAS

SITIO BARBON

TARLAC CITY

TARLAC CITY POLICE

TARLAC PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with