^

Police Metro

Pabalang sumagot... dalagitang apo sinilaban ng lola

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lapnos ang mukha at katawan ng isang 14-anyos na dalagita matapos na siya ay buhusan ng gas at sindihan ng kanyang lola na nagalit dahil sa pagsagot nito ng pabalang kamakalawa sa Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima na nasa malubhang kalagayan sa University Medical Center ay kinilalang si Desiree Francisco, high school student, ng  #002 Guevarra St. Brgy. Zone 1 ng nasabing lungsod.

Naaresto naman ang lola ng biktma na si Divina Formes alias Lola Vinay, 63, vendor at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling araw ay naglalakad at nag-uusap ang maglola pauwi sa kanilang bahay buhat sa magdamag na pagtitinda ng fish balls.

Nagkaroon ang mga ito nang mainitang pagtatalo sa hindi pa mala­mang dahilan at dito ay sumagot umano nang pabalang ang dalagita na hindi nagustuhan ng matanda.

Sa galit ng lola ay binuhusan nito ng dalang gas ang apo at binantaan na kapag hindi tumigilsa sa kasasagot ay susunugin ito.

Hindi umano natakot ang apo sa banta ng lola kaya’t muli itong sinagot nang pabalang na  ikinagalit ng matanda kaya’t sinindihan ang biktima at nagliyab ito.

Mabilis na dinala sa nasabing pagamutan ang biktima na isasailalim sa operasyon habang ang lola ay ina­resto ng mga barangay opisyal.

vuukle comment

BATAY

CAVITE

DASMARI

DESIREE FRANCISCO

DIVINA FORMES

GUEVARRA ST. BRGY

LOLA VINAY

UNIVERSITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with