^

Police Metro

Bulacan Gov. hinamon ng recall petitioners

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maglabas agad ng ebidensiya ng mga kumakalat na ulat na maraming mga doble at pekeng  pirma sa  petisyon na isinampa.

Ito ang naging hamon ng mga recall election  petitioners sa kampo ni Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado kung may kalokohang ginawa para dito. 

Ayon kay Perlita Mendoza, main petitioner na kung mayroong tinatago ay hindi na nila ipaglalaban na ituloy ang beripikasyon ng mga pirma.

Sinabi pa ni Mendoza na kung kumbinsido si Alvarado na mayroong peke sa mga pirma ay bakit hinaharang niya ang beripikasyon na itinakda sana noong Marso 9 kaya’t naglabas ng TRO ang Regional Trial Court sa pamamagitan ni Judge Guil­lermo Agloro matapos na magpetisyon si Alvarado.

Idinagdag pa ni Mendoza na ang kampo ni Alvarado ang dapat na maraming ipaliwanag dahil sa pananakot nila sa mga pumirma at sapilitang pagpapapirma ng affidavit  upang bawiin lang ang pirma.

Bukod dito na hanggang sa kasalukuyan ay walang isinasapublikong paliwanag si Alvarado sa mga taga-Bulacan tungkol sa umano’y sari-saring kaso ng  katiwalian na kinakaharap nito sa Ombudsman.

Upang matapos na ang usapan at awatan ay hinamon ni Mendoza si Alvarado na huwag nang pigilan sa anumang paraan ang recall election laban sa gobernador.

ALVARADO

BULACAN GOV

JUDGE GUIL

MENDOZA

PERLITA MENDOZA

REGIONAL TRIAL COURT

WILHELMINO ALVARADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with