^

Police Metro

El Niño pumasok na!

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Phi­lippine Atmos­pheric Geophy­sical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pumasok na sa bansa ang El Niño pheno­menon o tagtuyot na panahon nga­yong buwan ng Marso.

Ito anya ay batay sa resulta ng ginawang climate monitoring kung saan ay nakakaranas ng mainit na temperatura ng karagatan mula sa Central at Eastern Equatorial Pacific (CEEP).

Ayon sa PAGASA, mula huling quarter ng 2014 ay nagpakita na ng inaasahang paglitaw ng El Niño  sa bansa dahilan sa pag-init ng kondisyon ng mga karagatan.

Gayunman, mahina pa sa ngayon ang El Niño pero unti-unti na itong nakakaapekto sa mga pananim sa mga sakahan  na umaasa sa suplay ng  tubig ulan at iba pang tubig pangsakahan.

Sinabi pa ng PAGASA na ang mahinang El Niño ay makakaapekto sa rainfall pattern sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan at inaasahang ito ay magtatagal hanggang buwan ng Abril hanggat hindi pa pumapasok ang tag-ulan sa Mayo o buwan ng Hunyo.

vuukle comment

ABRIL

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

AYON

EASTERN EQUATORIAL PACIFIC

EL NI

GAYUNMAN

GEOPHY

HUNYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with