^

Police Metro

Sharia court judge pinabulagta

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinarget ng bala ang isang hukom sa Sharia Circuit Court  nang hindi pa nakilalang armadong salarin sa kapitolyo ng Jolo, Sulu nitong Huwebes ng hapon.

Ang  biktima ay nakilalang si Ibnohajar Puntukan, 63 at residente ng Barangay Alat, Jolo ng lalawigang ito at Presiding Judge ng 1st Sharia Court sa Jolo. Nagtamo ng tama ng bala sa katawan at dead-on-arrival ang biktima sa Sulu Provincial Hospital dakong alas-10:00 ng gabi.

Batay sa  ulat ng Joint Task Force BASULTA (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi ) naganap ang insidente sa bisinidad ng Magno st., Barangay San Raymundo, Jolo ng lalawigang ito dakong alas–2:45 ng hapon. Bigla na lang umanong dumating ang mga di kilalang suspek at agad binaril ang biktima.

 Mabilis naman na tumakas ang mga suspek at sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa kapitolyo. Una rito, ilang kalalakihan na umano ang nakitang umaaligid sa nasabing lugar at tila iniispiyahan ang biktima.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing im­bestigasyon ang motibo ng krimen upang maaresto at mapanagot sa batas ang salarin.

BARANGAY ALAT

BARANGAY SAN RAYMUNDO

IBNOHAJAR PUNTUKAN

JOINT TASK FORCE

JOLO

PRESIDING JUDGE

SHARIA CIRCUIT COURT

SHARIA COURT

SULU PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with