Nakipag-eyeball sa textmate, pinatay
MANILA, Philippines - Mga putok ng baril ang sumalubong sa isang 34-anyos na lalaki nang puntahan nito ang ka-eyeball sa Paco, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Lorence Dela Cruz, ng Elena St. Tondo, Maynila.
Hindi pa kilala ang suspek na nakasuot ng kulay pula na bull cap at sakay ng silver na Toyota Avanza nahuli sa closed circuit television (CCTV) ang malapitang bumaril sa biktima.
Batay sa ulat, dakong alas-10:55 ng gabi, sa harapan ng isang bakery na matatagpuan sa Onyx St., Paco ay dumating ang biktima na sakay ng motorsiklo nang sumulpot ang suspek at malapitan itong binaril.
Sa nakuhang impormasyon ng pulisya na kaya nagtungo ang biktima sa lugar ay upang katagpuin ang isang babae na textmate nito.
May teorya rin na maaring ang lalaking bumaril sa biktima ay textmate nito na gamit ang cellphone number ng babaing textmate.
- Latest