^

Police Metro

Hostage-taker napatay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang hostage taker na bumihag sa isang 7-anyos na batang babae kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Charlito Rasonable Jr., 37, welder, ng 1697 Samaka St., Kapalaran, Litex Road, Commonwealth, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon ay kasalukuyang naglalaro ang biktima na itinago sa pangalang Jenjen at kapatid na si Jenmar sa harapan ng kanilang bahay nang gumulong ang bola sa tapat ng inuupahang kuwarto  ng suspek.

Nang kukunin ng biktima ang bola ay bigla na lamang itong hinablot ng suspek kaya’t nagsisigaw ang bata.

Ipinasok ng suspek ang bata sa loob ng kanyang bahay habang nakatutok ang patalim kaya’t humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay si Jenmar na tumawag naman sa himpilan ng pulisya.

 Nang dumating ang mga pulis sa lugar ay nakipagnegosasyon ito sa suspek na pakawalan ang bata na hindi sinunod ng suspek.

Umabot ng ilang oras ang negosasyon hanggang sa magdesisyon ang mga pulis na pasukin ang bahay.

Subalit, armado ng pen gun ang suspek at binaril ang mga pulis na kung saan binaril si PO1 Nasser Ferreras na nagkataong naka-bullet proof vest kaya’t napilitan ang mga pulis na barilin at nailigtas ang bata.

Nabatid, na tatlong araw na hindi kumakain ang suspek matapos na ito ay magdroga.

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN CITY

CHARLITO RASONABLE JR.

JENMAR

LITEX ROAD

NANG

NASSER FERRERAS

QUEZON CITY

SAMAKA ST.

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with