Lalaki tinaniman ng 5 bala

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang isang hindi pa kila­lang lalaki ng hindi nakikilalang gunman kahapon ng madaling araw sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad na 30-45, katamtaman ang pangangatawan, moreno at may tattoo na puso sa kanyang kaliwang dibdib.

Sa ulat, dakong alas-1:10 ng madaling araw nang matagpuan na walang buhay ang biktima pagitan ng Libyan St. at Salaam Mosque Compound, Brgy.Culiat.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, narekober ang limang basyo at isang bala ng kalibre 45 baril sa crime scene.

Show comments