^

Police Metro

10 pang Sayyaf todas sa Sulu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng all out defensive ng tropa ng pamahalaan ay 10 pang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang sa bakbakan sa Brgy. Kabuntakas, Patikul, Sulu.

Nabatid na halos 3 oras ang naganap na bakbakan na nag-umpisa dakong alas-12:15 ng tanghali sa pinagkukutaan ng Abu Sayyaf sa lugar.

Umaabot na sa 29 miyembro ng ASG ang napapatay simula nang mag-umpisa ang all out defensive noong Miyerkules habang walo pa sa mga ito ang nasugatan o kabuuang 27 sugatan.

Naglunsad kamakalawa ng operasyon ang militar at nabulabog ang grupo ni Sahiron na nasagupa ng blocking force ng tropa ng militar sa Brgy. Kabuntakas.

Ang grupo ni Sahiron na may 300 armadong tauhan ay may hawak na mga hostages sa Sulu na target ng search and rescue operations ng tropang gobyerno.

Sa panig naman ng pamahalaan ay dalawang sundalo ang nasawi at nasa aabot 26 ang nasugatan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

KABUNTAKAS

MIYERKULES

NABATID

NAGLUNSAD

PATIKUL

SAHIRON

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with