^

Police Metro

Mister inakalang iniwan ng misis, nagbigti

Ricky Tulipat, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inakala ng isang mister na iniwan na siya ng kanyang misis na nasaktan niya nang sila ay magtalo at sa sobrang depresyon ay nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. UP Diliman, Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Marlon Bautista, 29, ng no. 85 Daang Tubo St., ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang makita ng 8-anyos na babae na  anak ng biktima ang ama na nakabigti kaya’t agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang mga tiyuhin.

Agad na nagtungo sa bahay ang mga tiyuhin at kinalas sa pagkakabigti ang biktima at isinugod ito sa ospital, pero hindi na rin umabot pa ng buhay.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo at nasaktan ng biktima ang misis kaya’t umalis ito sandali para makaiwas sa pananakit at nagtungo sa bahay ng hipag na malapit lang sa bahay nila.

Inakala umano ng mister  na tuluyan na siyang iniwan ng misis kaya’t nagpasya itong magpakamatay.

Samantala, sa Brgy. Anuling Lejos 2, Mendez, Cavite ay nagbigti ang 29-anyos na si Eddie Boy Ronario sa loob ng isang kubo kamakalawa ng alas-2:00 ng hapon.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Eufemia Ronario Razon na nag-usap pa silang mag-ina at nagsabi na nagbigti ito, subalit naputol lang ang tali, kaya hindi siya namatay.

Hindi pinansin ng ina ang sinabi ng anak sa pag-aakalang nagbibiro lang ito, subalit makalipas ang ilang oras ay hindi na niya ito makita at nang hanapin ay natagpuan sa kubo na nakabigti.

vuukle comment

ANULING LEJOS

BATAY

BRGY

CAVITE

DAANG TUBO ST.

EDDIE BOY RONARIO

EUFEMIA RONARIO RAZON

INAKALA

MARLON BAUTISTA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with