^

Police Metro

Enrile, inilipat sa Makati Med

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na umubo na may bahid ng dugo dahil sa lumalalang sakit nitong pneumonia ay isinugod sa Makati Me­dical Center si Senador Juan Ponce Enrile.

 Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw  kahapon nang isugod  si Enrile sa nasabing ospital  mula sa PNP Ge­neral Hospital sa Camp Crame.

Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) chief Ge­neroso Cerbo, batay na rin sa impormasyon mula sa PNP Health Services, kinaila­ngang ilipat ng ospital si Enrile mula sa PNP General Hospital dahil sa pneumonia.
Binanggit naman ni Cerbo na may standing resolution ang Sandiganbayan na kung emergency cases, maaaring ilipat ang akusado sa ibang ospital. 

Sa mga nakalipas na araw, mataas anya ang lagnat ng senador at umuubong may dugo.

Magugunitang Set­yembre nang  pagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang hirit na hospital arrest ni Enrile sa PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

Nahaharap si Enrile sa mga kasong plunder at graft dahil sa multi-bilyong pork barrel scam na kung saan ay sabit din sina Senators Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada na kapwa nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

CAMP CRAME

CERBO

CUSTODIAL CENTER

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

HEALTH SERVICES

JINGGOY ESTRADA

MAGUGUNITANG SET

MAKATI ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with